THE IRON LADY OF ASIA

Kabataan at pag-aaral

Si Defensor-Santiago ay ipinanganak sa Lungsod ng Iloilo kina District Judge Benjamin A. Defensor at Dean Dimpna Palma Defensor. Nagtapos siya ng kanyang elementarya bilang valedictorian sa La Paz Elementary School noong 1957. Taong 1961, nagtapos siya ng high school sa Iloilo National High School bilang valedictorian. Nag-aral siya ng kolehiyo sa University of the Philippines sa kursong abogasya.

Sa UP, nakapagtala si Defensor-Santiago ng bagong kasaysayan nang siya ang naging kauna-unahang babaeng editor-in-chief ngPhilippine Collegian, ang pahayagang pang-estudyante ng kolehiyo. Siya rin ang unang babaeng nanalo ng parangal bilang Best Debater sa U.P. Dalawang beses ding siyang nakatanggap ng “Vinzons Achievement Award for Excellence in Leadership”. Kinilala din siya ng Rotary bilang “most outstanding graduate ng U.P.”

Natapos ni Miriam ang kanyang Bachelor of Arts sa loob lamang ng tatlo at kalahating taon (3 1/2 years), taliwas sa ordinaryong apat (4) na taon, sa gradong 1.1 bilang average, noong huling semestre. Nagtapos siya bilang magna cum laude noong 1965. Natapos niya ang kanyang Bachelor of Laws sa U.P bilang cum laude.

Sa larangan ng politika

Kumandidato si Defensor-Santiago sa pagka-pangulo ng Pilipinas noong 1992 laban kay Fidel V. Ramos. Nakakuha siya ng malakas na suporta sa publiko. Di kagaya ng ilang partido na nirerenta lang ang kanilang mga manonood, ang PRP (People’s Reform Party) ni Miriam ay nakahatak ng napakaraming tao, at minsan, nang siya ay nagtatalumpati sa isang campaign rally ay bumagsak ang entablado dahil sa di nito nakayanan ang dami ng tao. Nanguna siya sa bilangan sa loob ng limang araw kasabay ng mga malawakang brownout, at pagkalipas noon ay naungusan siya ni Fidel Ramos. Natalo siya sa eleksiyon at si Ramos ang naging pangulo subalit hindi siya naniwala sa resulta nito. Nagprotesta si Miriam sa electoral tribunal batay sa diumanong maanomalyang resulta ng eleksiyon, bilang ebidensiya raw ay ang mga brownouts.

Noong Enero, 1992, nagkaroon din siya ng kaso sa korupsiyon at libelo na sinampa sa Sandiganbayan at sa Regional Trial Court ngMaynila. Ang reklamong ito ay napawalang bisa at maayos na nalinaw ni Miriam ang mga akusasyong ito laban sa kanya.

Tinuturing siya ng kanyang mga taga-suporta lalo na sa mga kabataan bilang ang nalalabing Tagapaglaban sa korupsiyon. Bago siya naging kandidato sa pagka-pangulo, nagsilbi siya bilang immigration commissioner at doon siya nakilala bilang tagapagtanggol ng bayan laban sa korupsiyon dahil sa kanyang mga ginawang paglilinis sa mga opisyal na corrupt sa ahensiya na iyon. Nagtamo siya parangal sa Magsaysay Award dahil sa kanyang mga nagawa sa Commission on Immigration and Deportation.

Taong 1995, tumakbo at nanalong senador si Miriam. Subalit sa di mabuting kalagayan, ang kanyang protestang inihain sa electoral tribunal noong 1992 ay napawalang bisa sa “teknikal” na kadahilanang siya ay nanalong senador. Ilang-ulit siyang pinarangalang Pinakamahusay na senador at binansagang Queen of Expose’ dahil sa kanyang matapang na pagbubulgar ng mga diumano’y ilang maanomalyang proyekto ng pamahalaan, kung saan nadawit ang dating kalihim ng DILG Ronaldo Puno.

Bilang senador, naging popular siya sa maraming puna nang kabilang siya sa 11 senador na bumoto laban sa pagbubukas ng Jose Velarde account noong impeachment trial ng dating pangulong Joseph Estrada na humantong sa EDSA II na siyang nagpaalis kay Estrada.

TIMELINE NI MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO:

15 Hunyo 1945 – Araw ng kapanganakan
1957– Nagtapos siya ng kanyang elementarya bilang valedictorian sa La Paz Elementary School
1961 – nagtapos siya ng high school sa Iloilo National High School bilang valedictorian 1988 – Naglingkod siya bilang komisyonado ng Kawanihan ng Pandarayuhan at Deportasyon ng Pilipinas
20 Hulyo 1989 – 4 Enero 1990 – Naging kalihim ng kagawaran ng repormang pangsakahan 1992 – Tumakbo bilang Pangulo ng Pilipinas si Defensor Santiago laban kay Fidel V. Ramos 1995– tumakbo at nanalong senador si Miriam
1997 – pinangalanan siya ng Australian Magazine bilang isa sa “The 100 Most Powerful Women in the World.”
2001 – tumakbo muli sa pagkasenador ngunit natalo dahil buhay pa sa ala-ala ng mga tao ang makasaysayang EDSA 2.
2012 – Si Miriam ay naluklok bilang kauna unahang babae at asyano bilang maging parte ng hukom ng International Criminal Court
Oktubre 13, 2015 – ipinaalam niya sa publiko ang kaniyang pagkakandidato para sa darating na 2016 eleksyon.

Awards ni Miriam, sa dami nang nagawa niya sa bayan, kaliwa’t kanan din ang kanyang mga parangal:

Public Service Award 1991, Pambansang Unyon ng Mamamahayag sa MedyaNews Personality of the Year 1988, ABS-CBN Broadcasting Corporation The Outstanding Women in the Nation’s Service for lawGold Vision Triangle Award for government serviceRepublic Anniversary Award for law enforcementGolden Jubilee Achievement Award for public serviceCelebrity Mother AwardGintong Ina Awards Foundation Diamond Award for excellence in the legal profession, University of the Philippines Portia Sorority 1993Professional Award in law 1988, University of the Philippines Alumni AssociationMost Outstanding Alumna Award 1997, University of the Philippines VisayasOutstanding Alumna Award 1995, Iloilo High School Alumni Association, IncMost Outstanding Alumna 1991, La Paz Elementary School Iloilo CityPeople’s Service Award 1990, University of the East College of Law Student GovernmentAchievement Award 1989, Angeles University FoundationAward of Achievement 1988, Centro Escolar University Graduate School Alumni AssociationAward of Outstanding Recognition 1988, Iloilo National High SchoolBrown Visiting Fellow Award 1988, Trinity College of Quezon City. Award of Excellence in public service 1988, Philippine Council of Evangelical Churches, Inc.Award of Recognition for public service 1988, Roman Catholic Archbishops and Bishops of ManilaWoman of the Year Award, Catholic Educational Association of the Philippines Award of Recognition for Best Agency Productivity 1988, Government Productivity Improvement Program CouncilOutstanding Ilongo Award 1989 for good government, Iloilo provincial governmentLeadership Award 1988, Philippine Ports AuthorityDistinguished Achievement Award 1986, National Police CommissionOutstanding Young Woman of Iloilo Award for law 1984, Ilang-Ilang Jaycees and Iloilo provincial government Woman of Distinction Award 1988, Soroptimist International of Greater ManilaIntegrity of Profession Award 1988, Soroptimist International of Quezon CityAward of Distinction 1988, Zonta International of Baguio CityOutstanding Achievement Award 1994, Rotary Club of Cabanatuan CityAward of Distinction 1989, Rotary Club of Roxas CityOutstanding Public Servant Award 1989, Rotary International District 378 in Quezon CityAchievement Award 1991, Iloilo Association of GuamGolden Cross Achievement Award 1990, 10th Battalion Combat Team PeftokMedal of Honor and Woman of the Year Award1989, Foundation of Phil-American Medical Society of New Jersey, Inc.Award of Distinction 1988, Girl Scouts of the Philippines Iloilo ChapterDistinguished Public Service Award 1988, Barangay U.P. Village Senior Citizens Organization

Ilan sa mga mga batas na naipasa:

Reproductive Health Bill, Foreign Language Education Partnership Act, False Complaints Against Public Officials as an Aggravating Circumstances of Perjury, Pollutant Release and Transfer Registry Act, Stay Clean and Sober Act, Fire Arms Law, An Act Criminalizing Necrophilia, Ending Corporal Punishment in Schools Act of 2011, Philippine HIV and AIDS Plan Act of 2011, Anti-Justice Evasion through Travel Act of 2011, Preventive Imprisonment, Limitation on Recall in Local Government Code, Incandescent Light Bulb Ban Act, Philippine Act on Crimes against International Humanitarian Law, Genocide and other crimes Against Humanity, Revised Penal Code (Incriminating Innocent Person), Anti-Money Laundering Act, Special Education Act, Total Plastic Ban Act of 2011, Coastal Tourism Planning Act, Excise Tax on Tobacco Product, Electoral Processes Accessibility Act of 2011 at marami pang iba.