CLAIRE PASCUAL

Senate-hearing-1

MIRIAM DEFENSOR – SANTIAGO
“THE IRON LADY OF THE PHILIPPINES”


BAKIT PINILI KO ANG BABAING ITO BILANG AKING INSPIRASYON?

Madalas kung hindi niyo siya kilala at napapanood niyo lamang siya sa telebisyon, aakalain niyo na isa siyang malaking kontrabida sa senado. Isang senador na bumabatingaw ang bibig at kung ano ano ang mga sinasabi. Isang senador na tila parating galit at malaki ang problema sa ating gobyerno. Ngunit para sa mga taong nakakakilala sa kaniya, marami sa inyo ang nakaka alam na napaka dami niyang na ambag para sa ating bansa katulad ng mga batas na halos hindi na natin mabilang. Kilala siyang matapang na pulitiko at kritiko na patuloy lumalaban sa pag sugpo ng kurapsyon sa gobyerno. Sa maraming pagdinig at paglilitis ay palaging tumutulong at ang kanyang malakas na kilos ay nagbigay-daan sa kanya upang manganak ang mga sagot na naging makabuluhan sa ang mga resulta ng pagdinig. Siya ang Margaret Thatcher ng Pilipinas. Ang Most Outstanding Senator, Ramon Magsaysay awardee at 69th Most Powerful Woman of the world TOYM Awardee, Ang tinaguriang “Iron Lady of Asia” – Senadora Miriam Santiago

Napaka daming katangian ni Senator Miriam Santiago ang dapat na sinusundan ng mga kabataan. Siya ay tunay na inpirasyon at mabuting halimbawa para sa amin. Sa kaniyang husay at talino, nalibot niya ang buong mundo at napabilang sa iba’t ibang malalaking unibersidad katulad ng Harvard Law School, Oxford University, Cambridge University, Stanford University, Tokyo’s Sophia University, University of California at madami pang iba. Sa totoo lamang, wala pa akong nalalaman na may nakatumbas o pwedeng maihambing sa mga narating ni Sen. Miriam kung ikukumpara sa ibang mga politiko sa ating bansa. Pagkatapos niyang gumawa ng sobrang daming batas, nag patuloy naman ang kaniyang buhay bilang isang propesor at huwes. Ang pinaka hinahangaan ko sa kaniya ay ang totoong malasakit niya para sa kababaihan at kabataan. Mayroon akong nabasa na noong panahon ni Marcos, pinagtanggol nya ang karapatan ng mga kabataan at etudyante at pinanindigan ang kalayaan ng hudikatura. Siya ay bayaning matatawag ng lahat ng mga estudyante sa unibersidad at nirespeto pati na mga martial law administrators. Siya ay naging mahusay sa pag papahayag ng kaniyang mga alalahanin para sa mga bagay na nakikita niyang hindi tama at naaayon sa batas. Ang kaniyang maningning na pagka tao ay nag bigay daan upang mag kumento sa mga isyung hindi kaya bigyang pansin ng ibang mga politiko dahil natatakot sa kapangyarihan ng mga kurap.

Hindi naman lingid sa ating kaalaman na si Senator Miriam Santiago ay may matinding pinagdadaanan sa kaniyang kalusugan. Ang pinamalas niyang katapangan, katatagan at kagustuhang maglingkod sa bayan sa kabila ng iniindang sakit ay dapat mag silbing inpirasyon sa atin. Minahal siya ng ating mga kababayan at lalo na ng mga kabataan dahil totoo ang kaniyang pagmamalasakit sa ating bayan. Hanggang sa kaniyang huling hininga, nais niyang mapasaayos ng walang halong panloloko ang bansang Pilipinas at walang halong panglalamang sa mga tao nito. Ang kanyang kahanga-hangang tiyaga at tibay ng loob ay walang duda na rason kung bakit tunay na minahal siya ng mga Pilipino. Nais ko na sana ay lahat ng politiko ay magkaroon ng pagmamalasakit sa bansa katulad ng pagbibigay importansiya ni Miriam Santiago sa ating bansa at kung mangyayari man iyon, tiyak na magiging masagana at matagumpay ang buhay ng bawat Pilipino.

Leave a comment