TONI RITZ MAXILOM

slide4.jpg

MIRIAM DEFENSOR – SANTIAGO
“THE IRON LADY OF THE PHILIPPINES”


BAKIT PINILI KO ANG BABAING ITO BILANG AKING INSPIRASYON?

Bakit nga ba ang isang Miriam Defensor Santiago ang napili ko bilang aking inspirasyon o hinahangaan? Kung tutuusin ay marami namang ibang puwede. Kaya ko napiling gawing inspirasyon si Miriam Defensor Santiago ito ay dahil siya ay isang “Empowered woman”. Nirerepresenta at itinatayo niya ang bandila ng mga babae. Na hindi porket tayo ay mga babae lamang hahayaan natin magpa “under” sa mga lalaki. Pinapatunayan niya lamang na ang mga babae ay hindi lang basta bastang babae kundi tayong mga babae ay may kakayahan at abilidad na makisabay sa kung ano mang kayang gawin ng mga lalaki. Itinataguyod niya din “gender equality”. Sa aking palagay siya ay isa talagang simbolo o isang “role model” para sa katulad nating mga kabataan. Dapat ay tulungan nating i-angat at pahalagahan ang mga sarili natin. Na tayo ay dapat maki alam sa mga nangyayari sa ating paligid at bansa. Hindi dapat tayo manahimik at mang balewala lamang sa mga isyu na ating nalalaman. Dapat nating gamitin ang ating mga karapatan at boses sa lahat ng sitwasyon kung kinakailangan. Halimbawa na lamang sa kasalukuyang eleksyon ng ating bansa. Kung tayo man ay isang rehistradong botante mabuti lamang na alamin at piliin nating mabuti ang mga ihahalal o iluluklok natin sa puwesto. Dahil tandaan ibinoto natin sila para tayo ay pamunuan para sa ikakaganda at unlad ng ating bansa. Ibinoto natin sila dahil ito ay sa tingin natin na sila ay may sapat na abilidad at talino upang irepresenta ang ating bansa. Na dapat ang mga ihahalal natin ay ang mga taong karapat dapat. Na may malinis na intensyon, malinaw at tapat na adhikain para sa bansa. Sa aking pananaw si Miriam Defensor Santiago ay kwalipikado sa lahat ng nabanggit kong “qualifications” kumbaga para tayo ay pamunuan. Nakakalungkot mang sabihin siya ay hindi nanalo sa eleksyong ito ngunit ako padin ay naniniwala at sumosoporta sa kanya. Siya ay isang halimbawa ng isang magandang lider para sa akin. Madami na siyang napatunayan at nagawa para sa bansa. Marami narin siyang nai-ambag para sa kaunlaran ng ating bansa. Sa pag upo niya sa senado siya ay naging popular sa masa dahil sa kanyang prangka at klarong pagsasalita. Wala siyang pinapanigan basta’t alam niyang siya ay nasa tama. Inirerepresenta niya tayong mga babae na hindi lamang tayo basta lamang maiiwan sa bahay para mag alaga at maglinis kundi tayo din ay may alam at marunong. Na dapat hindi minamaltrato at minamaliit ang mga babae. Madami ng napatunayan si Miriam Defensor Santiago at sa tingin ko ito ay sapat na para sabihin ko na proud na proud ako dahil siya ay isang inspirasyon sa akin.

Leave a comment