Gng. Ester Pascual

Ayon sa salaysay ni: Mary Claire Pascual

claire's mom

•Pangalan: Ester P. Pascual

• Edad: 42

• Kaarawan: Agosto 1

• Katayuan: Married

• Pinalaki sa: Obando Bulacan

• Family profile:  Zeny Pascual – Nanay at Constantino Pascual – Tatay

  • Maria Anna Pascual – Kapatid
  •  Isabel Pascual – Kapatid
  •  Jeffrie Dela Cruz – Asawa
  •  Mary Claire Pascual- Anak na panganay
  •  Marc Clarenz Pascual – Susunod na anak
  •  Marc Constantine Dela Cruz – Bunsong anak

• Nagtapos: Dentistry sa CEU

• Bakit siya naging Inspiration? Masasabi ko ng buong buo na ako ay nanatiling buhay dahil sa kaniya. Ito ay hindi dahil siya ang araw araw na nag papakain sa akin o siya ang araw araw na nag aasikaso sa pangangailangan ng aming pimilya. Ito ay dahil siya ang aking inspirasyon upang maging mas sikap, mas tiyaga at maging malakas sa pag harap sa mga hamon ng buhay. Nabubuhay ako para sa kaniya. Nais ko na isang araw makita niya akong maging matagumpay sa aking buhay at masabi kong utang ko ang lahat ng iyon sa kaniya. Sa tuwing ako ay nakakaramdam ng pagod o pagkasawi sa aking buhay, hindi ako nag aalangan na siya ang lapitan sapagkat marinig ko lamang siya ay napapawi na ang lahat ng hirap at kalungkutan na aking nararamdaman. Masasabi ko na sa aking buhay, malaki ang kaniyang ginagampanang trabaho dahil katulad nga ng sinabi ko kanina, wala ako kung wala siya. Hindi ako mabubuhay kung wala siya. NANAY – Ang nag iisang tao sa buhay mo na hinding hindi mapapagod na intindihin, alagaan at mahalin ka.

 

 

 

Student’s Profile:

Untitled-1

Pangalan: Mary Claire P. Pascual

Kaarawan: Setyembre 14, 1997

Edad: 18

Unibersidad: Miriam College

Kurso: BA Psychology

Quote: “Ang tunay na sikreto sa tagumpay ay pagsisikap at patuloy na pagbangon sa bawat pagkakamali.”

Leave a comment