ILENE ALEXANDRA MARIANO

11002702_793394770737988_1025005734646279701_oMiriam Defensor – Santiago
“The Iron Lady of the Philippines”


Bakit pinili ko ang babaing ito bilang aking inspirasyon?

Si Miriam Defensor Santiago ay isang politician, guro, at tagapaglingkod ng bayan na kilala dahil siya ang pinaka unang Filipina na nasa International Criminal Court bilang hukom. Sa kanyang 20 taon na tungkulin sa politika, si Miriam ay napatunayan kanyang sarili na maging isang matapat, at mahusay na tagapaglingkod ng bayan, kaya mahal siya ng sambayanang Pilipino. Ipinaglalaban ni Miriam ang katotohanan at katarungan sa politika ng Pilipinas sa lahat ng session na nanduduon siya; mula sa oras na siya ay nagsimula na nagtatrabaho sa pampublikong sector, nagpapakita si Miriam ng totoong pagka-pilipinong politiko. Isa sa mga bagay kung bakit sikat si Miriam sa buong mundo ay ang kanyang tapat na pananalita. Siya ay may marangyang personalidad at dahil duon, pinapayagan siya na mag komento sa nga problema na, para sa ibang politiko, isasantabi lang, at kinakatakutan ang kapangyarihan ng mga kurap. Sa kanyang oras sa senado, kilala si Miriam sa pag sasabi ng mga problema na nakikita niya na hindi tama at illegal. Ang kalakasan ng loob ni Miriam at ang kaniyang seguridad ay kapansin-pansin at hindi niya pinapayagan ang kaniyang mga kamalian o negatibong pangyayari para ibaba ang pagtitingin niya sa sarili niya. Ito ang mga rason kung bakit magaling siya sa kaniyang trabaho bilang senator. Hindi pinapayagan ni Miriam lahat ng nangyayari sa kaniyang buhay na maapektuhan ang kaniyang kakayahan. Trabaho ay trabaho at buhay ay buhay.  Sineseriyoso niya ang kaniyang trabaho at binibigyan na mataas na respeto sa ating systema ng gobyerno. At dahil duon, wala siyang kaso ng bribery at kurapsiyon. Parati siyang nagpapaalala sa mga tao na respetuhin ang gobyerno, kahit gaano mukang corrupt ito, ito ang nagbubuhat ng bayan natin at para hindi masira ang kapayapaan.

Leave a comment