Miriam Defensor Santiago

 

Miriam-Defensor-Santiago-01

Si Miriam Defensor Santiago (ipinanganak 15 Hunyo 1945), ay isang politiko at kasalukuyang Senador ng Pilipinas. Siya ay isang abogado, dating hukom, at guro ng saligatang batas at batas internasyunal. Naglingkod siya bilang komisyonado ng Kawanihan ng Pandarayuhan at Deportasyon ng Pilipinas noong 1988 at naging kalihim ng Kagawaran ng Repormang Pansakahan mula 1989 hanggang 1991. Nakatanggap siya ng Gawad Magsaysay (Magsaysay Award) nang siya ay komisyonado ng Kawanihan ng Pandarayuhan at Deportasyon.

Tumakbo bilang Pangulo ng Pilipinas si Defensor Santiago noong 1992; nanguna siya sa pambansang bilangan ng mga boto noong unang mga araw ng bilangan, subalit natalo lamang ng ilang daang libong mga boto. Napaulat na nagkaroon ng malawakang dayaan sa halalan, lalo na ang madalas na pagkawala ng kuryente noong unang limang araw. Nagsampa siya ng protesta, na pinawalang-saysay noong 1995 nang tumakbo siyang muli bilang senador at nagwagi.

Laging natatampok si Santiago sa pandaigdigang balitaan dahil sa kanyang tahas sa pananalita. Noong 1997, pinangalanan siya ngAustralian Magazine bilang isa sa “The 100 Most Powerful Women in the World.”